# started 2014-08-16T15:11:21Z "Ang reality television ay isang uri ng palabas sa telebisyon kung saan ang sinusubaybayan ay ang \"totoong buhay\" ng mga tao at hindi mga kathang isip na tauhan na ginagampanan ng mga artista.May tatlong uri ng reality television. Ang una, ang manonood at ang camera ay pasibong nagsusubaybay ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na personal at propesyonal na gawain. Ang mga \"plot\" na tinipon para sa palabas ay kadalasang katulad ng mga soap opera, kaya kung minsan ay tinatawag na docusoap.Sa pangalawang uri, may mga nakatagong camera kung saan kinukunan ang mga nagkakataong dumaan sa lugar kung saan may naka-setup na sitwasyon. Ang reaksiyon nga mga dumaraan ay maaring nakakatwang panoorin pero ito rin ay nagpapakita ng katotohanan ng kalagayan ng tao.Ang pangatlong uri ay ang tinatawag na \"reality game show\", kung saan ang mga kasali ay tinututukan ng mga camera habang silang napapaligsahan upang makuha ang premyo. Ang isang pagkakaiba kung bakit ang \"reality game show\" ay mas totoo kaysa sa mga ibang game show ay maaring kasangkot ang mga manonood (ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon) sa pagpili sa kalalabasan ng palabas. Kadalasan, ang pakikisangkot na ito ay sa pamamagitan ng pagpili kung sino sa mga kasali ang matatanggal (disapproval voting), ang pinakapopular, o iba pang sistema ng pagboto. Ang isa sa pinakasikat na reality-based game show ay ang Survivor.Sa isang banda, nako-control pa rin ng mga producer ang format ng palabas at maari nilang imanipula ang kalalabasan ng ilan sa mga ito, kaya napapisip ang ilang kung gaano ba katotoo ang reality television."@tl . "Ang isang ensiklopedya, ensiklopidya, ensayklopidya, o ensayklopidiya (Ingles: encyclopedia) ay isang koleksiyon ng mga kaalaman ng tao.Ang terminong ito ay nagmula sa salitang Griyego na \u03B5\u03B3\u03BA\u03CD\u03BA\u03BB\u03B9\u03BF\u03C2 \u03C0\u03B1\u03B9\u03B4\u03B5\u03AF\u03B1, enkyklios paideia (\"sa loob ng sirkulo ng pagturo\"). Mula sa salitang \u03B5\u03B3\u03BA\u03CD\u03BA\u03BB\u03B9\u03BF\u03C2, na may ibig sabihing hugis sirkito na binubuo ng mga salitang \u03BA\u03CD\u03BA\u03BB\u03BF\u03C2 o sirkito at \u03C0\u03B1\u03B9\u03B4\u03B5\u03AF\u03B1, o instruksiyon.Ang mga ensiklopedya ay maaaring naglalaman ng malawak na kaalaman sa iba't ibang larangan (Ang Encyclop\u00E6dia Britannica ay isang kilalang halimbawa), or maaring naglalaman lamang patungkol sa isang partikular na larangan (tulad ng mga ensiklopedya ng medisina o pilosopiya). Mayroon din mga ensiklopedya na naglalaman ng paksa tungkol sa isang partikular na kultura o pangbansang panannaw, tulad ng Great Soviet Encyclopedia.Ang mga tao ay bumuo ng maraming ensiklopedya sa kasaysayan nito, ngunit ang terminong ensiklopedya ay ginamit lamang noong ika-16 daantaon."@tl . "Ang telebisyon o tanlap (tanaw + diglap) ay isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan. Naging patungkol sa lahat ng aspeto ng programa at pagpapadalang pangtelebisyon ang katagang ito."@tl . "Ito ang kalendaryo ng mga makasaysayang anibersaryo. Para sa artikulo tungkol sa kalendaryo tingnan ang kalendaryo."@tl . "Ang wiki ay isang uri ng websayt na pinapahintulutan ang sino mang dumalaw sa sayt na magdagdag, magtanggal o magbago ng mga nilalaman nang pagkabilis at pagkadali, at, sa karaniwang pagkakataon, hindi na nangangailangan pa ng pagpapatala. Maaaring maging mabisang kagamitan ito alang-alang sa tulungang pagsusulat. Maaari ring tumukoy ang katagang wiki sa tulungang sopwer na nagpapadali ng pagpapalakad ng ganoong websayt.Pinaikling anyo ng wiki wiki ang wiking nanggaling sa wikang Hawayano; sa wikang iyon, ginagamit ito bilang isang pang-uring nangangahulugang \"mabilis\" o \"magmadali\".Sa katunayan, ang wiki ay isang pagpapapayak ng paglikha ng mga pahinang HTML kasama ang isang kaparaanang nagtatala ng bawat isang pagbabagong naganap sa paglipas ng oras, sa alin mang oras, upang maibalik ang isang pahina sa rating katayuan nito. Maaaring mabilang ang iba-ibang kagamitan sa isang kaparaanang wiki, na dinisenyong magbigay sa mga tagagamit ng madaling paraan upang bantayan ang palagiang pagbabago ng katayuan ng wiki gayon din bilang isang lugar na pag-usapan at lutasin ang mga hindi maiiwasang mga isyu, gaya ng likas na hindi pagkakaunwaan sa nilalaman ng wiki. Maaari din na maging ligaw ang nilalaman ng wiki, dahil maaaring magdagdag ang mga tagagamit ng mga hindi tamang impormasyon sa pahina ng wiki.Pinapahintulot ng ibang mga wiki ang walang tinatakdang pagbabago ng impormasyon upang makapagambag ang mga tao sa sayt na hindi na kailangang dumaan sa proseso ng 'pagrerehistro', na kadalasang hinihingi ng iba't ibang uri ng mga interaktibong mga websayt gaya ng mga Internet forum o mga sayt pang-usapan.Pinangalan ang kauna-unahang wiki, WikiWikiWeb sa linyang \"Wiki Wiki\" ng mga bus ng Chance RT-52 sa Paliparang Pandaigdig ng Honolulu, Hawaii. Nilikha ito noong 1994 at na-instala sa web noong 1995 ni Ward Cunningham, na lumikha din ng Portland Pattern Repository.Ikinakahulugan minsan ang wiki bilang backronym para sa \"What I know is\" (Ang alam ko ay), na isang katagang Ingles na naglalarawan sa tungkulin nito sa pamamahagi, pag-iimbak, at pagpapalitan ng kaalaman."@tl . "Padron:Calendar/MonthStartMiyEnero ay ang unang buwan ng taon sa kalendaryong Gregorian at ng Kalendaryong Julian. Ito ay may tatlumpu't isang (31) araw. Ang Enero ay hiram na salitang Kastila.Ang pangalan nito sa Ingles na January ay mula naman sa pangalan ni Janus, ang diyos sa Romano ng mga pintuan."@tl . "Ang Marso ang ikatlong buwan ng taon sa Kalendaryong Gregoriano at ng Kalendaryong Juliano. Ito ay may 31 araw. Nanggaling ang salitang Marso mula sa Kastilang Marzo. Sa Ingles, itong buwan ay tinatawag na March. Lahat ng ito ay nanggaling sa pangalan na Mars, ang diyos ng digmaan ayon sa mitolohiyang Romano."@tl . "Ang Pebrero ang ikalawang buwan ng taon sa Kalendaryong Gregorian at ng Kalendaryong Julian. May 28 o 29 na araw ito depende kung ang taon ay leap year ba o hindi. Kung ang taon ay leap year, 29 ang araw ng Pebrero. Tatlong beses lamang sa kasaysayan nagkaroon ng ika-30 ng Pebrero. Ang Enero at Pebrero ang pinakahuling buwan na dinagdag sa kalendaryo, dahil para sa mga Romano, ang tag-lamig ay panahon na walang buwan.Sa Ingles, February ang tawag sa buwang ito. Ang salitang Pebrero ay galing sa Kastilang salita na Febrero. Ang buwan ay ipinangalan kay Februus, and diyos ng kadalisayan ng mga sinaunang Romano."@tl . "Ang Epistemolohiya ay isang sangay ng pilosopiya na tumatalakay sa kalikasan, pinagmumulan at saklaw ng kaalaman."@tl . "Ang \"Lupang Hinirang\" ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Binuo ni Julian Felipe ang himig noong 1898 at ang mga titik ng awit naman ay inangkop mula sa tulang Filipinas na isinulat ni Jose Palma sa wikang Kastila nuong 1899.Nagsimula ito bilang isang martsang pang-instrumental na ipinag-atas ni Emilio Aguinaldo na gamitin sa pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya. Marcha Filipina Magdalo ang unang pangalan nito ngunit binago at naging Marcha Nacional Filipina matapos hirangin ito bilang pambansang awit ng Unang Republika ng Pilipinas. Una itong tinugtog ng bandang San Francisco De Malabon sa araw ng pagpapahayag ng kalayaan noong Hunyo 12, 1898. Ang mga titik ng awit ay idinagdag na lamang matapos isulat ni Jose Palma ang tulang Filipinas nuong Agosto 1899.Naisipan ng pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos noong dekada 1920 na isalin ang pambansang awit sa Ingles mula sa Kastila matapos na mapawalang bisa ang Flag Law. Ang pinaka-tanyag na pagsasalin ay ang \"Philippine Hymn\" na ginawa nina Senador Camilo Osias at isang Amerikano na si Mary A. Lane. Ito ang ginawang opisyal na pagsasalin ng Kapulungan ng Pilipinas noong 1938.Ang mga pagsasalin ng pambansang awit sa Tagalog ay ginawa noong dekada 1940. Ang pinaka-tanyag sa mga salin na ito ay ang O Sintang Lupa na sinulat ni Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos at Francisco Caballo. Ito ang naging pambansang awit noong 1948.Nagbuo naman ng komisyon ang Kalihim ng Edukasyon na si Gregorio Hernandez upang baguhin ang mga salitang Tagalog ng pambansang awit noong panunungkulan ni Pangulong Ramon Magsaysay. Naging bunga nito ang pambansang awit na Lupang Hinirang na unang inawit nuong Mayo 26, 1956. May mga kaunti pang mga pagbabago ang idinagdag nuong 1962 na ginagamit hanggang sa kasalukuyan."@tl . "Huwag itong ikalito sa aestetika.Etika ang pangkalahatang termino na madalas inilalarawan na \"agham ng moralidad\". Sa pilosopiya, ang etikal na pag-uugali ay ang \"kabutihan\". Ito ang isa sa tatlong pangunahing paksa ng pagsasaliksik sa pilosopiya, kasama ang metapisika at lohika.'Ang layunin ng teoriya ng etika ay ang timbangin kung ano ang mabuti, para sa bawat isa at para sa buong lipunan. Iba-iba ang paninindigan ng mga pilosopo sa kanilang pagbibigay-kahulugan sa kung ano ang kabutihan, sa kung paano tatalakayin ang nagsasalungatang pampersonal na prayoridad laban sa panlahat, sa mga pangsanglahat na prinsipyong pang-etika laban sa \"etikang pangsitwasyon\" na nagsasabing batay sa sitwasyon ang pagiging mabuti at hindi dahil sa isang pangkalahatang batas, at kung batay sa bunga ng isang kilos ang kabutihan o batay sa uri ng pamamaraan kung paanong narating ang isang resulta.' (Jennifer P. Tanabe, Contemplating Unification Thought)"@tl . "Ang pulo o isla ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa kontinente at higit na malaki sa bato na napaliligiran ng tubig. Ang maliliit na pulo na hindi napakikinabangan ay tinatawag na islet sa Ingles. Ang mga pangkat ng mga magkakaugnay na pulo ay tinatawag na arkipelago.Mayroong dalawang pangunahing uri ng mga pulo: ang mga pulong kontinental at pulo sa karagatan. Mayroon ding mga pulong artipisyal."@tl . "Ang kapuluan (Ingles: archipelago) ay isang pangkat ng mga isla o pulo. Ang kapuluan o arkipelago ay isang anyong lupa na binubuo ng malalaki at maliliit na pulo. Panay tubig ang nakapaligid sa isang pulo. Ang isang halimbawa ng kapuluan ay ang mga bansa ng Pilipinas, Hapon, Indonesia at Nagkakaisang Kaharian.Heograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito."@tl . "Padron:Calendar/MonthStartMiyAng Enero 3 ay ang ika-3 na araw ng taon sa Kalendaryong Gregorian, at mayroon pang 362 (363 kung leap year) na araw ang natitira."@tl . "Ang pagluluto ay ang gawa ng paghahanda ng pagkain para kainin. Pinapaligiran ito malawak na sakop ng mga paraan, kagamitan, at pagkakasama-sama ng mga sangkap upang mapabuti ang lasa at/o ang madaling pagtunaw ng pagkain sa tiyan. Sa pangkalahatan, kailangan nito ang pagpili, pasukat at pagsama-sama ng mga sangkap sa isang maayos na paraan sa pagsisikap na makamit ang ninanais na resulta. Kabilang sa pagpipigil ng pagkatagumpay ang pagkakaiba-iba ng sangkap, kalagayan ng kapaligiran, kagamitan at ang kasanayan ng taong nagluluto. Sinsangkot ng madalas ng pagluluto, bagaman hindi palagi. May mga katibayan sa arkeolohiya ng mga nilutong pagkain (parehong karne at gulay) sa mga tirahan ng mga tao mula pa noong sa pinakamaagang kilala ng paggamit ng apoy."@tl . "Ang pilosopiya ay ang mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan. Sinisikap nitong unawain ang mga suliranin na mayroong malawak na saklaw at nagsisilbing ugat sa mas marami pang mga tanong tungkol sa katotohanan, tunay na kahulugan ng ating buhay, saligan at nilalaman ng ating kaalaman, mga bagay na binibigyang-halaga, at ang talagang ipinapahiwatig natin na gamit ang iba't ibang anyo ng pakikipagtalastasan. Natatangi ang pilosopiya sa pagtalakay ng mga tanong na ito dahil sa mahigpit at binalangkas nitong pamamaraan na gamit ang rasyunal na pangangatwiran.Nagmula ang salitang Pilosopiya sa mga salitang griyego na \"Philo\" at \"Sophia\". Ang \"Philo\" ay nangangahulugang \"Pagmamahal\" at ang \"Sophia\" naman ay \"Karunungan\". Kung pagsasamahin, ito ay \"Pagmamahal sa Karunungan\". Kung kaya't ang Pilosopiya ay palagiang nagtatanong sa mga bagay-bagay upang magbigay-linaw, mag-alay ng kasagutan at magdagdag ng karunungan sa nagtatanong.Kabilang sa itinatanong ng mga pilosopo ay ang mga sumusunod: Metapisika: Anong uri ng mga bagay ang umiiral, mga bagay na meron? Ano ang kalikasan ng mga bagay? Meron bang mga bagay na umiiral kahit na hindi natin nadarama? Ano ang kalikasan ng kalunanan at kapanahunan? Ano ang kalikasan ng kaisipan at pag-iisip? Ano ba ang kahulugan ng pagiging isang tao? Ano ba ang kahulugan ng kamalayan? Meron bang diyos? Epistemolohiya: Meron nga bang kaalaman? Paano natin nalalaman na may alam tayo? Paano natin malalaman na may iba pang nakapag-iisip? Etika: Meron bang pagkakaiba ang matuwid at mga imoral na mga gawain (o pagpapahalaga, o institusyon)? Kung meron, anong uri ang pagkakaibang ito? Anong mga gawain ang matuwid? Anong pinapahalagahan ang sukdulan, o may-kaugnay lamang? Gamit ang mas malawak o mas eksaktong paraan ng pagtalakay, paano ako dapat mabuhay?Nakatuon ang mga pangkaisipang-modelo (paradigm) ng pilosopiya sa mga pangunahing konsepto tulad ng pag-iral o pagmemeron, moralidad o kabutihan, kaalaman, katotohanan, at kagandahan; kadalasang tinatalakay ng mga pilosopo ang mga mabigat na katanungan sa mga kalikasan ng mga ganitong konsepto \u2014 mga katanungan na mahihirapang talakayin sa mga espesyal na mga agham."@tl . "Isang sangay ng pilosopiya ang Metapisika, at may kaugnayan ito sa mga agham-pangkalikasan, tulad ng pisika, sikolohiya at ang biyolohiya ng utak; at sa mistisismo, relihiy