# started 2014-09-02T08:18:48Z "Ang reality television ay isang uri ng palabas sa telebisyon kung saan ang sinusubaybayan ay ang \"totoong buhay\" ng mga tao at hindi mga kathang isip na tauhan na ginagampanan ng mga artista.May tatlong uri ng reality television. Ang una, ang manonood at ang camera ay pasibong nagsusubaybay ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na personal at propesyonal na gawain."@tl . "Ang isang ensiklopedya, ensiklopidya, ensayklopidya, o ensayklopidiya (Ingles: encyclopedia) ay isang koleksiyon ng mga kaalaman ng tao.Ang terminong ito ay nagmula sa salitang Griyego na εγκύκλιος παιδεία, enkyklios paideia (\"sa loob ng sirkulo ng pagturo\")."@tl . "Ang telebisyon o tanlap (tanaw + diglap) ay isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan. Naging patungkol sa lahat ng aspeto ng programa at pagpapadalang pangtelebisyon ang katagang ito."@tl . "Ito ang kalendaryo ng mga makasaysayang anibersaryo. Para sa artikulo tungkol sa kalendaryo tingnan ang kalendaryo."@tl . "Ang wiki ay isang uri ng websayt na pinapahintulutan ang sino mang dumalaw sa sayt na magdagdag, magtanggal o magbago ng mga nilalaman nang pagkabilis at pagkadali, at, sa karaniwang pagkakataon, hindi na nangangailangan pa ng pagpapatala. Maaaring maging mabisang kagamitan ito alang-alang sa tulungang pagsusulat."@tl . "Padron:Calendar/MonthStartMiyEnero ay ang unang buwan ng taon sa kalendaryong Gregorian at ng Kalendaryong Julian. Ito ay may tatlumpu't isang (31) araw. Ang Enero ay hiram na salitang Kastila.Ang pangalan nito sa Ingles na January ay mula naman sa pangalan ni Janus, ang diyos sa Romano ng mga pintuan."@tl . "Ang Marso ang ikatlong buwan ng taon sa Kalendaryong Gregoriano at ng Kalendaryong Juliano. Ito ay may 31 araw. Nanggaling ang salitang Marso mula sa Kastilang Marzo. Sa Ingles, itong buwan ay tinatawag na March. Lahat ng ito ay nanggaling sa pangalan na Mars, ang diyos ng digmaan ayon sa mitolohiyang Romano."@tl . "Ang Pebrero ang ikalawang buwan ng taon sa Kalendaryong Gregorian at ng Kalendaryong Julian. May 28 o 29 na araw ito depende kung ang taon ay leap year ba o hindi. Kung ang taon ay leap year, 29 ang araw ng Pebrero. Tatlong beses lamang sa kasaysayan nagkaroon ng ika-30 ng Pebrero. Ang Enero at Pebrero ang pinakahuling buwan na dinagdag sa kalendaryo, dahil para sa mga Romano, ang tag-lamig ay panahon na walang buwan.Sa Ingles, February ang tawag sa buwang ito."@tl . "Ang Epistemolohiya ay isang sangay ng pilosopiya na tumatalakay sa kalikasan, pinagmumulan at saklaw ng kaalaman."@tl . "Ang \"Lupang Hinirang\" ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Binuo ni Julian Felipe ang himig noong 1898 at ang mga titik ng awit naman ay inangkop mula sa tulang Filipinas na isinulat ni Jose Palma sa wikang Kastila nuong 1899.Nagsimula ito bilang isang martsang pang-instrumental na ipinag-atas ni Emilio Aguinaldo na gamitin sa pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya."@tl . "Huwag itong ikalito sa aestetika.Etika ang pangkalahatang termino na madalas inilalarawan na \"agham ng moralidad\". Sa pilosopiya, ang etikal na pag-uugali ay ang \"kabutihan\". Ito ang isa sa tatlong pangunahing paksa ng pagsasaliksik sa pilosopiya, kasama ang metapisika at lohika.'Ang layunin ng teoriya ng etika ay ang timbangin kung ano ang mabuti, para sa bawat isa at para sa buong lipunan."@tl . "Ang pulo o isla ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa kontinente at higit na malaki sa bato na napaliligiran ng tubig. Ang maliliit na pulo na hindi napakikinabangan ay tinatawag na islet sa Ingles. Ang mga pangkat ng mga magkakaugnay na pulo ay tinatawag na arkipelago.Mayroong dalawang pangunahing uri ng mga pulo: ang mga pulong kontinental at pulo sa karagatan. Mayroon ding mga pulong artipisyal."@tl . "Ang kapuluan (Ingles: archipelago) ay isang pangkat ng mga isla o pulo. Ang kapuluan o arkipelago ay isang anyong lupa na binubuo ng malalaki at maliliit na pulo. Panay tubig ang nakapaligid sa isang pulo. Ang isang halimbawa ng kapuluan ay ang mga bansa ng Pilipinas, Hapon, Indonesia at Nagkakaisang Kaharian.Heograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito."@tl . "Padron:Calendar/MonthStartMiyAng Enero 3 ay ang ika-3 na araw ng taon sa Kalendaryong Gregorian, at mayroon pang 362 (363 kung leap year) na araw ang natitira."@tl . "Ang pagluluto ay ang gawa ng paghahanda ng pagkain para kainin. Pinapaligiran ito malawak na sakop ng mga paraan, kagamitan, at pagkakasama-sama ng mga sangkap upang mapabuti ang lasa at/o ang madaling pagtunaw ng pagkain sa tiyan. Sa pangkalahatan, kailangan nito ang pagpili, pasukat at pagsama-sama ng mga sangkap sa isang maayos na paraan sa pagsisikap na makamit ang ninanais na resulta."@tl . "Ang pilosopiya ay ang mapagkilatis na pag-aaral sa mga pinakamalalim na katanungan na maaaring itanong ng sangkatauhan. Sinisikap nitong unawain ang mga suliranin na mayroong malawak na saklaw at nagsisilbing ugat sa mas marami pang mga tanong tungkol sa katotohanan, tunay na kahulugan ng ating buhay, saligan at nilalaman ng ating kaalaman, mga bagay na binibigyang-halaga, at ang talagang ipinapahiwatig natin na gamit ang iba't ibang anyo ng pakikipagtalastasan."@tl . "Isang sangay ng pilosopiya ang Metapisika, at may kaugnayan ito sa mga agham-pangkalikasan, tulad ng pisika, sikolohiya at ang biyolohiya ng utak; at sa mistisismo, relihiyon at mga paksang espirituwal."@tl . "Ang Agosto 31 ay ang ika-243 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-244 kung leap year) na may natitira pang 122 na araw."@tl . "Padron:Calendar/MonthStartMiyAng Enero 1 ay ang unang araw ng taon sa Kalendaryong Gregorian, at mayroon pang 364 (365 kung bisyestong taon) na araw ang natitira."@tl . "Ang Unyon ng Malasya /ma·ley·sya/ (Malay: Malaysia, bigkas: /məˈleɪʒə/ o /məˈleɪziə/) ay isang bansang binubuo ng labing tatlong mga estado at tatlong teritoryong pederal sa Timog Silangang Asya na may kabuuang sukat ng lupa na 329847 km2. Kuala Lumpur ang kabiserang lungsod nito, samantalang ang Putrajaya naman ang sentro ng pamahalaang pederal. Ang bansa ay may populasyong umaabot sa mahigit 25 milyon."@tl . "Ang biyolohiya o haynayan ay isang natural na agham na nauukol sa pag-aaral ng buhay at mga nabubuhay na organismo kabilang ang kanilang istruktura, mga tungkulin, paglago, ebolusyon, distribusyon at taksonomiya."@tl . "Ang Republika ng Indonesya (Indones: Republik Indonesia, bigkas: /ˌɪndoʊˈniːziə/ o /ˌɪndəˈniːʒə/), ay isang bansa sa Timog-silangang Asya. Ito ay binubuo ng 17,508 mga pulo, at ito ang pinakamalaking estado sa buong daigdig na binubuo ng isang kapuluan. Tinatantiya na nasa 238 milyong katao ang populasyon ng Indonesya, na pang-apat sa mga pinakamataong bansa sa mundo, at ang pinakamataong bansang Muslim; subalit walang opisyal na pananampalataya ang itinakda sa Saligang Batas ng Indonesya."@tl . "Ang Wikipedia ay isang wiki-based na ensiklopedya na may malayang nilalaman. Ito ay tinatawag na malaya sa dahilan na ito ay malayang magagamit at mapapalitan ng kung sino man. Ang Wikipedia ay nakasulat sa maraming wika at pinamamahalaan ng Wikimedia Foundation.Ang Wikipedia ay sinimulan bilang isang proyekto na nasa wikang Ingles noong 15 Enero 2001 at sumunod na lamang ang mga proyektong Wikipedia sa iba't ibang wika."@tl . "Padron:Calendar/MonthStartLingAng Hunyo 12 ay ang ika-163 na araw sa Kalendaryong Gregorian (ika-164 kung leap year), at mayroon pang 202 na araw ang natitira."@tl . "Ang Hulyo 4 ay ang ika-185 na araw nga taon (ika-186 kung leap year) sa Kalendaryong Gregorian, at mayroon pang 180 na araw ang natitira."@tl . "Ang makina ay isang mekanikal o de-kuryenteng bagay ng naglilipat o nagbabago ng enerhiya upang makagawa o makatulong sa mga gawain ng tao.Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito."@tl . "Ang astronomiya ay isang agham na kinapapalooban ng pagmamasid at pagpapaliwanag ng mga kaganapang nangyayari sa labas ng Daigdig at ng atmospero nito."@tl . "Ang kabisera (o punong lungsod/bayan/munisip(i)yo o kapital) ay ang pangunahing yunit pangheopolitika na naiuugnay sa gobyerno at mga operasyon nito. Ito ay maaring lungsod na pisikal na sumasakop sa tanggapan at himpilan o pulungan ng mga nakaupo sa pwesto ng pamahalaan o alinsunod sa isinasaad ng batas."@tl . "Heograpiya (Kastila: Geografia) o Taladutaan ang tawag sa agham ng mga lokasyon ng mundo.. Ang mga likas na yaman( yamang-tubig, yamang- lupa, atbp.) na ito ay ginagamit sa pagpoprodyus ng iba't-ibang produkto dahilan upang tumaas ang ekonomiya ng bawat bansa.....Ang salitang heograpiya ay mula sa salitang Kastilang geografía."@tl . "Ang Hilagang Asya ay isang rehiyon ng Asya. Ang Siberia lamang ang bumubuo nito na nasa bahaging Asya ng bansang Rusya. Kabilang sa rehiyon na ito ang mga dating kabahagi ng Soviet Union tulad ng mga bansang Kazakhstan, Kyrgyztan, Tajikistan, Turkmenistan, at Uzbekistan.Heograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito."@tl . "Ang kimika, (pang-uri: kemikal) kemistri, o kapnayan ang tawag sa agham tungkol sa mga elemento at compound (kumpwesto) at kung ano ang gawain ng mga ito. Ito ang pag-aaral ng mga bagay na bumubuo sa ating katawan at ng mundong ating ginagalawan. Tinatawag na kemiko ang taong nagpakadalubhasa sa kemika, bagaman tumuturing din ang sa kemiko mga sustansiyang kemikal.Bilang isang agham, nagsimula ang maka-agham na pag-aaral ng kemika noong ika-16 na siglo."@tl . "Populasyon ang tawag sa bilang ng mga bagay na may buhay sa isang lugar. Ang populasyon ng isang lungsod ay ang bilang ng mga tao na nakatira sa lungsod na iyon. Sa Sosyolohiya, ito ay ang katipunan ng mga tao. Ang pag-aaral ng estatistika ng populasyon ng tao ay nagaganap sa loob ng disiplina ng demograpiya. Ang artikulong ito ay tumutukoy sa populasyon ng tao.Ang densidad ng populasyon o kapal ng populasyon ang tawag sa pamantungang bilang ng tao sa isang lugar."@tl . "Ito ay talaan ng mga Pulo ng Pilipinas. Binubuo ang kapuluan ng Pilipinas ng 7,107 mga pulo, kung saan 2,000 dito ay pinanahanan. Pinangkat ang mga ito sa tatlong pangunahing mga pangkat ng pulo, ang Kalusunan, Kabisayaan, at Kamindanawan"@tl . "Ang Pangulo ng Pilipinas ang pinakamataas na pinuno ng Republika ng Pilipinas. Pinamumunuan ng pangulo ang Tagapagpaganap na sangay ng pamahalaan, na kinabibilangan ng Gabinete, at siya rin ang Punong Komandanto o Commander-in-Chief ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.Sang-ayon sa kasalukuyang saligang-batas (1987), ang pangulo ay nararapat na may gulang na 40 taon pataas, mamamayang Pilipino mula kapanganakan, at nakatira sa Pilipinas sampung taon bago ng halalan."@tl . "Padron:Calendar/MonthStartMiyAng Enero 2 ay ang ika-2 na araw sa Kalendaryong